laging puyat

Just another WordPress.com weblog

Tsk! TSk! Tsk!

Hay nako, straight from work napasugod ako sa internet cafe. bakit kamo? nagcheck kasi ako ng email sa cellphone ko and nakita kong may messages sa friendster ko. At dahil low techa ng cp ko, di ko mabuksan ang friendster dito. well, di naman pala ganun ka importante, naatat lang ako… he he he

Ang bad trip lang, check ko yung friendster ni bf, at aba, ang ex gf nya… mega chikadora.. langyang yun, di  lang kasi nya alam na ako ang nag rereply sa mga “fan mails” nya, lecheng bruha. (bitter, hi hi hi). May kaibigan daw na butiki daw yung pokpokchina na nag bulong sa kanya na daddy na daw si bf. ako naman, sinagot ko, tinanong ko kung sino ang nagsabi sa kanya. yun nga daw, kaibigan daw ni bf na di nya maalala. haller???? nakikipag balitaktakan ka sa supposedly ay kaibigan ng ex mo na supposedly ay di mo pa naoover come at pinag nanasaan mo pa din ngayon. tapos sasabihin mong di mo na maalala kung sinong makating dila yun? fishing for info ang ale… nako, naranasan na kaya nitong maihampas sa pader?

akonaman, mega reply na di totoo yung balita. at ang reply ng echoserang hitad, na “i know hindi totoo, kaya nga nagulat ako.” na kesyo mas kilala naman daw nya si bf kesa dun sa kaibigang butiki na nag tsika sa kanya ng ganung kahalayan. sabay mega announce na uuwi daw sya dito sa pinas at mag babakasyon. At ang malantod na babae, paenglish english pa! local version naman ng flintstones (as in barok) ang grammar. hindot talagaaaa!!!!

ang ending, nag log out na lang ako sa friendster ng magaling kong bf at nilabas lahat ng sama ng loob sa blog na ‘to… on second thought… teka nga, mareplyan yang hindot na babae na yan nag walang ginawa kundi may i count kung gano na sila katagal nag hiwalay ni bf.  Tsk! Tsk! Tsk! pathetic talaga.  

AYAN!!! he hehe, message sent! nireplyan ko na si hindot. langyang yun, pasalamat nga sya tinanggal ko sya sa pagkakablock nya sa list ni bf eh, nangiintriga pa sya na may nag balita lang daw sa kanya na ni hindi naman nya kilala. HALLERRR??? gawain nya kaya yun, imagine ha, nung mag 2 yrs kami ni bf, nag email sya sa friendster ko na ganito ang exact wording “finally, nakita na din kita” ano ko? ang nawawalang konsensya? ang matagal nang kasagutan sa mga katanungan ng buhay nya? tsk! gawain nya talaga na basta na lang nange-email ng tao, sows! nalaman ko tuloy kung sino at ano sya sa buhay ni bf, imbes na anonymous na nga ang drama nya. sino kayang mas wais? sya na gumagawa ng tsismis, issue, eclavu? o ako na nirereplyan nya sa email thinking na ako ang ex bf nya? may pa “I miss you” pa syang nalalaman dyan… buti nga di ko sya na “cami hami wave” ano!

ay nako, tama na nga.. sabi nga ng namayapa kong lola (sumalangit nawa) wala na… da end na…

he hehe…

Advertisements

March 20, 2007 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: