laging puyat

Just another WordPress.com weblog

new employee uli!

Veronica's Blog

after 3.5 months from my previous job,  lipat na naman ako sa panibagong trabaho. at least, may calls man, madali lang. saka out bound kasi kaya hawak mo oras mo. wala ka namang ibang itatanong kundi, ” what’s the status….” churva churva… yun naman eh, kung tamad ka nang mag isip kung anong nangyari sa account na tinitingnan mo. he he he..  ayos di ba? minsan parang tinatamad ako, pero pag naumpisahan na… nakakalimutan ko na ang oras. minsan di ko na din napapansin ang break. at least dito.. di katulad ng sa call center… CR ka lang, irereport mo pa. at hindi nakaka guilty ang umihi ng umihi. he he he.. matulog ka pa kung gusto mo… basta natatapos mo an trabaho mo.  happy din ako sa mga kasama ko sa work, wala ng intrigahan. wala na kasi akong kasamang ma-side comment (tsuk!), kumbaga, sa mga bagong kong clique, tanggap nila na may iba talagang tao na hindi mo ka jive, period. wala na yung laging napapansin yung sinabi ni ganito o ni ganyan. nakakamiss na din si Jazz, he he he… sayang kung nandito sya, belong na belong sya dahil madami akong kasama na sa medical field ang back ground.

     tatagal ba ko sa trabaho? ewan natin… sana… pero ayoko ng same role pa din ha.. ewan ko ba! pero di talaga nasama sa goal ko ang maging bisor. kaya siguro one of the many lang kasi ang output ko. tsk! hanggang ngayon kasi, hindi ko pa din alam kung ano ang gusto ko.

    may plano ako na one time, punta ako ng Dubai. tapos bakasyon lang ako dun, pero pa-part time part time din para may panggastos. nakakainip kasi na nakatali ka lagi sa desk. gusto kong mag liwaliw… mahanginan… he he he..

   buti na lang, kahit saan ako mag punta… may mga nami-meet akong tao na masasayang kasama. Cheers to my new friends!

Advertisements

August 4, 2007 Posted by | Uncategorized | 2 Comments