laging puyat

Just another WordPress.com weblog

Xmas Day!

Christmas day today… pero ang lahat ng happenings ay nangyayari naman talaga sa bisperas, then christmas day itself, la lang, borlogan marathon ang nangyayari. Parang sakin, everything significant happened nung palapit pa lang ang pasko, 13th month pay, xmas shopping, breaking up… waaahhh!! hindi nya ko binati nung xmas. Akala ko ba sabi nya ayaw nyang magkahiwalay kami? (Ok peeps, I’m right at this phase called In Denial stage kaya walang taasan ng kilay). Talked to Mrash kahapon, (imagine 24th of December tapos dalawa lang kaming nagtatrabaho minus the aircon? tsk!) Dami ko natutunan sa kanya when it comes to matters of the heart. Lam mo, sabi ng mga friends ko, parang okay lang naman daw ako. Of course I’m not okay! Pero syempre ma-pride ako. I will not tell them about the nightmares… I will not admit na kaya araw araw ako online is because I’m hoping na kahit isang maiksing Merry Xmas lang eh binati nya ko sa YM… na tingin ako ng tingin sa cp ko hoping na kahit isang forwarded message lang, may matanggap ako. And I’ve been hoping for a time alone para makaiyak na ko… kaso wala…Pero lamo, amazing thing is… I’ve met 5 people na may similar but not so very similar experience sakin. Parang gusto ko na ngang magtayo ng asosasyon para dito eh. Take the case of one “girlfriend” na they were together for 2 years. Little did she know na si lalake eh may 2 extra GFs on the side. Isang 7 months, isang 5 months. Si guy, nag leave ng 1 month from work para mag review sa board exam and she was supporting him financially dahil magkaaway yung guy and his dad. Then finally, si guy passed the board, became an engineer at ang sabi sa kanya, nagkabati na si guy at yung dad nya because of what happened. Syempre si girlfriend super happy and was looking forward sa oath taking. But well… wag na lang daw sabi ni guy kasiwalang pera. Wag na daw mag Oath taking. Eh hindi na din mashoulder ni girl yung letseng oath taking kasi nga yung sahod nya pinaghahatian nila ni boyfriend habang walang sahod si guy at nagrereview. Eh alam mo ba nangyari? Si Girlfriendfor 7 months lang naman ang kasama ng pamilya ni lalake nung oath taking. Tapos nung celebration, alam mo bang nangyari? Si girlfriend for 5 months lang naman ang nasa party. At sya? Isa syang alamat… sya na original, subok na matibay at maaasahan… Well, there goes Mr. Jerk Number 1. At dahil nakakapagod din namang mag type, lalo na at ayaw mong mahuli ka ng kahit sinong kasambahay na nag bablog ka pala… 1 last story to share…

Si Girlfriend Number 2 naman ay may Jerk boyfriend for 5 years. Bumili sila ng kotse at naghati sa bayaran syempre pa nakapangalan sa guy. Nagpaplano pa siya na bumili ng bahay para makapag settle down na sila. Si guy hurts her physically, tapos galit na galit if she eats french fries, liempo, ultimo pag kinain nya yung skin ng fried chicken. As in walk out ang nangyayari. You see, si girlfriend got fat because she was on a pill. Dahil ayaw nga ni lalake na mabuntis sya. What happened? Si guy eh isang TL sa isang call center called HTMT at di nya alam, popular pala sa one night stands… And this one agent was sobrang obsessing kay lalake at talagang naging regular dyug ata ni guy. mantakin mong si agent ay nagpadala pa ng picture nya ke Girlfriend at sa lahat ng friends nito na napapaluputan sya ng ahas, at ang message? “Ahas na kung ahas”. So nagbreak sila, nabuntis si agent at nung sinesettle yung hatian sa kotse, 30 kiyaw lang ang ibinalik kay girlfriend. Ang rason? Yung kaltas daw ay for all the expenses sheincurred during the times na nagdedate sila at hindi sya nagbabayad. Ultimate Loser talaga no? Ako, hindi ko naconfirm kung gano kalala ang ginawa ni ex.. tingin nyo it would help me move on if I’ve known the gory details?

Kaya lang, ayoko namang mamuhay in pain, anger and bitterness.. ako ang talo. so I guess… the road to moving on might be a long and hard (uy, long and hard ha! Wow! He he) journey… pero hopefully, I’ll get to pass it and move on to a better life (pray, pray, pray).

Thank you sa lahat ng friends who gave me advise. To those who were crying for me, who were mad for me. Pero most of all.. Thank you kay Doc Manuel who said na just tell him when I’m ready to date kasi he’s got friends he can refer. mamili lang daw ako kung gusto ko ng Pedia, Surgeon, Gen. Med or OB Gyne (Uy! Ha ha ha…) Best help I’ve ever offered (Char!)

  

   

Advertisements

December 25, 2007 - Posted by | Uncategorized

2 Comments »

  1. I’m sorry to know about your loss. But I know you are off to something and someone better. I mean, God’s best for you. Cry darling, cry all you want and then let go. Cast your cares to the God of Love. Be patient in finding another one, I mean, better pray for one. You will find the perfect person God is preparing for you, in His time. You definitely deserve someone and next time girl, don’t think that it is your fault, that you are doing something wrong that is why you can’t please your partner, it is just that you are not meant for each other. You know, eventhough we’re far away from each other,I am here, praying for you always.

    Love you!

    On a lighter note, I got married February 1. I am so happy and so looking forward to years with my husband. I am now, Mrs. Clarissa Cuyco-Centeno. I’ll upload pics later on.

    Comment by Ryza-GE | February 15, 2008 | Reply

    • OMG!!!! after so many years ngayon ko lang nakita ang comments, haha.. so sorry friend. anyway, eto naloko na naman ako, bad trip. hehe.. labyu ryz

      Comment by lagingpuyat | November 9, 2011 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: